Ford de Guzman at Aron Gumban, bagong myembro at kagigiliwang bagets sa mga malls.
(Ford de Guzman and Aron Gumban)

(Elev8)
MALAKAS ang hatak ng mga kalalakihan dancers at singers sa malls. Tulad ng bagong members ng Elev8 na sina Ford de Guzman at Aron Gumban. Lutang agad ang dalawa sa grupo na binibuo rin ng original members na sina Jeff Caramat, Maui Torcator at Renz Perez.
Pinakabata sina Ford at Aron sa grupo ng Elev8 dahil bagong dating sa grupo. Ang management ng Elev8 ay ang dating Xquisite Artist International Productions na ngayon ay MLIT Artist Management Production, na ni Mark Tanala. Unang nakilala ang Elev8 sa Walang Tulugan ni Kuya Germs (German Moreno).
In demand ang Elev8 sa mall dahil sa pawang kabataang babae at bading ang kanilang avid fans. Kapag nakikita ang grupo on stage, dahil guwapo, young and fresh, halos himatayin sa kilig ang fans.

(Ford)
Ayon kay Ford, kaya siya sumali sa grupong Elev8 ay para subukan ang mundo ng showbiz. Total package si Ford:. matipunong binata, 17 years old, 5″8 ang height, matikas. All around talent : magaling sumayaw , kumanta at umarte.

(Aron)
Samantala , si Aron ang tinagurian Bunso Gwapito ng grupo. Dahil obviously siya naman talaga ang pinakabata sa kanilang lahat, ngunit hindi rin magpapatalo pag dating sa dance floor o hatawan sa pagsasayaw .
Sa katunayan, paborito si Aron ng official photographer ng grupo, si Robin Obispo. May kakaibang dating at may taglay na mapungay na mga mata. Sabi ng fans kay Aron, may magical look na ayaw mong alisin ang tingin sa binatilyo.
Sa bookings ng Elev8 para sa kanilang personal appearance, makokontak si Mark Tanala ang Manager ng Grupo at Managing Director ng MLIT Artist Management Production, sa mobile number 09175874256 and 09088812454.
#elev8
#marktanala
#forddeguzman
#arongumban