Monday, April 30, 2018

Throwback Write Up "Ford de Guzman at Aron Gumban, bagong kagigiliwang bagets sa malls" by: Noel Asenas (Entertainment & Business Press) June 15, 2017

Ford de Guzman at Aron Gumban, bagong myembro at  kagigiliwang bagets sa mga malls.

(Ford de Guzman and Aron Gumban)
elev81
(Elev8)
MALAKAS ang hatak ng mga kalalakihan dancers at singers  sa malls. Tulad ng bagong  members ng Elev8 na  sina Ford de Guzman at Aron Gumban. Lutang agad ang dalawa sa grupo na binibuo rin ng original members  na sina Jeff Caramat, Maui Torcator at Renz Perez.
     Pinakabata sina Ford at Aron sa grupo ng Elev8 dahil bagong dating sa grupo. Ang management ng  Elev8 ay ang dating Xquisite Artist International Productions na ngayon ay MLIT Artist Management Production, na ni Mark Tanala. Unang nakilala ang Elev8 sa Walang Tulugan ni Kuya Germs (German Moreno).
In demand ang  Elev8  sa mall dahil sa pawang kabataang babae at bading ang kanilang avid fans. Kapag nakikita ang grupo on stage, dahil guwapo, young and fresh, halos himatayin  sa kilig ang fans.
forddeguzman2
(Ford)
     Ayon kay Ford, kaya siya sumali sa grupong Elev8 ay para  subukan ang mundo ng showbiz. Total package si Ford:. matipunong binata, 17 years old, 5″8 ang height, matikas.  All around talent : magaling sumayaw ,  kumanta at umarte.
aron gumban2
(Aron)
     Samantala , si  Aron ang tinagurian Bunso Gwapito ng grupo. Dahil obviously siya  naman talaga ang pinakabata sa kanilang lahat, ngunit hindi rin magpapatalo pag dating sa dance floor o hatawan sa pagsasayaw .
     Sa katunayan, paborito si Aron ng official photographer ng grupo, si Robin Obispo. May kakaibang dating at may taglay na mapungay na mga mata. Sabi ng fans kay Aron, may magical  look na ayaw mong alisin ang tingin sa binatilyo.
      Sa bookings ng  Elev8 para sa kanilang personal appearance, makokontak si Mark Tanala ang Manager ng Grupo at Managing Director ng MLIT Artist Management Production, sa mobile number 09175874256 and 09088812454.
#elev8
#marktanala
#forddeguzman
#arongumban

No comments:

Post a Comment